Home TOP STORIES Perjury case isinampa vs ex-mayor ng Tiaong

Perjury case isinampa vs ex-mayor ng Tiaong

MANILA, Philippines – Sinampahan ng perjury case ang dating alkalde ng Tiaong, Quezon.

Base sa ipinalabas na resolusyon ng Lucena City Prosecutors Office noong Enero 11, 2024, kinasuhan si Ramon Preza ng paglabag sa sa Article 183 ng Revised Penal Code na Perjury o Pagsisinungaling.

Nag-ugat umano ang kaso sa sa pag-akusa ni Preza ng kasong pandaraya at pangloloko ang negosyanteng si Frankie Ong sa perang nagkakahalaga ng halos aabot sa halos 50 milyong piso.

Pero lumalabas sa imbestigasyon na ang nasabing halaga ay personal na pagkakautang lamang ni Ong sa kanya ayon na rin sa Counter-affidavit na isinumite ni Preza sa Makati Prosecutors Office.

Pansamantala namang nakalalaya si Preza matapos maglagak nang 25 libong piyansa dahil sa ipinalabas na warant of arrest ng korte noong January 19, 2024.

Matatandaan na kamakailan lamang ay gumulong na rin ang kasong katiwalian na isinampa laban kay Preza sa Office of the Ombudsman, dahil sa di umanoy paggamit niya ng kanyang impluwensiya at kapangyarihan noong alkalde pa ito upang paboran ang ilang negosyo niya. RNT

Previous articleDaniel, planong mag-settle sa US!
Next articleAljur, ‘missing in action’!