Home METRO Person of interest sa pagpatay sa dentista sa Mindoro natukoy na

Person of interest sa pagpatay sa dentista sa Mindoro natukoy na

MANILA, Philippines – Natukoy na ng Special Investigation Task Group (SITG-Bolor) ang person of interest sa pagpatay sa isang dentista sa Calapan, Mindoro, at nag-aalok ng P300,000 reward para sa impormasyon na hahantong sa pagkakaaresto sa suspek.

“May mga information silang ano, sinusundan, in connection with the POI na tinitingnan nila,” ani PCapt Michelle Selda, Chief PIO ng Oriental Mindoro PPO.

Nabuo ang SITG-Bolor matapos mapatay si Dr. Ting Bolor, isang dentista at konsehal ng Barangay San Vicente Central, Calapan, Mindoro, sa kanyang tahanan noong Enero 15, 2024.

Ayon sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nagtamo ang biktima ng 50 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

“As per SOCO report din po, wala po silang nakitang struggle, eh, pero they are, sabi ko nga po, hinihintay pa rin namin ‘yung ibang result kasi nag-DNA test po [kami] ng ibang ano [evidence] katulad ng sa mga kuko,” dagdag ni Selda. RNT

Previous articlePinas, Tsina nagkasundo sa pagpapatatag ng komunikasyon sa South China Sea
Next article₱12B Comelec funding ‘di para sa Cha-cha plebiscite – DBM