Home NATIONWIDE Peryante nagreklamo sa Senado vs harassment ng pulis

Peryante nagreklamo sa Senado vs harassment ng pulis

MANILA, Philippines – Nagreklamo sa Senado ang ilang miyembro ng Perya Industry of the Philippines Association (PIPA) Inc. hinggil sa “relentless harassment” ng ilang law enforcement officers laban sa kanilang hanapbuhay.

Sa position paper na binasa sa ginanap na pagdinig n Senado, ipinaliwanag ng PIPA na ang Perya — kilalang karnabal sa Englihs – ay popular na entertainment sa Pilipinas sa panahon ng kapistahan at selebrasyon.

“Perya is an establishment where people, especially children and young people, go to enjoy a variety of activities such as rides, games, and shows. However, unlike other business entities, peryahan operates in a specific locality for four to six hours daily within a span of a few months as specified in the permit issued by the local government units,” ayon sa position paper.

Sinabi ng PIPA na ilang law enforcement agencies kabilang ang media ang hindi kumilala sa legalidad ng permiso na ibinigay ng local government units.

Sanhi nito, ayon pa sa PIPA, na bumagsak ang bilang ng bonapideng miyembro ng organisasyon sa nakalipas na ilang taon.

Ilang sa dahilan kung bakit bumaba ang kanilang bilang dahil hindi na nakakayanan ng karamihan ang “non-operating expenses” dahil sa extortion.

“While perya owners are authorized by local government units to operate in their area, police officers do not respect such authority. Harassment is inflicted upon perya workers. Police officers, media men, and other enforcement agency personnel extort money from the owners,” ayon sa PIPA.

Sa pagdinig, dalawang PIPA team leaders ang tumestigo na ginigipit sila ng pulis kabilang ang panggigipit ng sa kanyang pamilya na magbenta ng sigarilyo, ng isang alyas Ruben.

Isang team leader naman mulang Batangas na nagsabing isang opisyal ng pulistya ang nangurakot at ibinulsa ang kanilang kinita nang lusubin ang kanilang peryahan.

Inihayag naman ni PIPA President Evelyn Mendoza na ilang “bagmen” ang nanggigipit sa kanila kaya’t napupuwersa ang perya industry na magbayad ng “S.O.P” o lagay kundi matitigil ang kanilang operasyon.

Dahil dito, umapela ang PIPA kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa chairman ng committee on public order and dangerous drugs na magbigay ng sapat na safeguards sa perya industry.

Ayon sa organisasyon, sana mabigyan ilang ng mga sumusunod upang protektahan ang kanilang industriya:

1. Allow perya operators to conduct their activities anywhere in the land without impediment

2. Recognize the perya trade as lawful

3. Designate the LGU as the sole authority that will regulate the operations of the perya industry

4. Provide a transient economic zone exclusive for PIPA members to promote the economic development program of the country

Sinabi ni Dela Rosa na walang karapatan o kadahilanan ang pulisya na basta-basta na lamang umaaresto ng peryante kapag hindi lumalabag sa batas.

“Para mabalik ang dignidad huwag kayong magpahuli. Para hindi kayo hulihin, huwag kayong magpalaro ng illegal gambling, ganon lang ‘yun kasimple. You will never be harassed kapag walang rason to harass you,” aniya.

Sinusugan naman ni Senador Bong Go, dumalo sa pagdinig, ang pahayag ni Dela Rosa sa pagsasabing mahirap paniwalaan na gumagawa nang ganito ang pulisya.

“Lalo na itong mga pulis natin. Kaya hindi kami basta-bastang maniwala rin na sila ay involved dito. Dahil noong una noong 2018, dinoble ni dating Pangulong Duterte ang sweldo nila. Wala pong rason na mangikil ang mga ito dyan sa maliit na kita,” ayon kay Go.

“The important thing here is how the regulation and the law can be implemented and the government can make money and at the same time our small workers get paid,” giit niya. Ernie Reyes

Previous articlePasahero ng nagkaaberyang yate sinagip ng PCG
Next article2 arestado sa P2M shabu