Home METRO PESO desk itatatag sa Navotas

PESO desk itatatag sa Navotas

LUMAGDA ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas ng Memorandum of Agreement para sa ipapatayong Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high schools sa Navotas.

Nilagdaan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang MOA Kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. Joel M. Chavez, NPC President at Rey Sanglay, Supervising Labor and Employment Officer ng  Department of Labor and Employment-CAMANAVA.

Layon ng programa na palakasin ang paghahatid ng serbisyong-panghanapbuhay sa mga mag-aaral ng lungsod at mga bagong nagsipagtapos.

Kabilang dito ang mga Special Program for the Employment of Students (SPES), job market information, referral and placement, career guidance and employment coaching, and Labor Education for Graduating Students (LEGS) at marami pang iba.

“Through the PESO Desks, Navoteño youth will be more guided, prepared, and equipped for the career they wish to pursue,” ani Mayor Tiangco

“But more than being career-ready, we hope young Navoteños will develop discipline, critical and creative thinking, emotional stability, adaptability, and other skills and values that will help become successful in life,” dagdag pa ng alkalde.

Dumalo sa seremonya sina Estelita Aguilar, PESO Navotas Action Officer; Dr. Marco Meduranda, SDO Navotas Curriculum Implementation Division Chief; at Editha Peregrino, Public School District Supervisor.

Suportado ng pamahalaang Navotas ang mga naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng  weekly in-house job interviews at  mega job fairs. Naglalaan din ng tulong kung saan pwede iparehas ang mga mag-aaral para sa work immersion o training.(R.A Marquez)

Previous articlePlastic palit bigas at sardinas inilunsad ng isang parokya sa Pasay
Next articleClearing ops vs nakabalandrang mga sasakyan sa QC umarangkada