Home NATIONWIDE Petisyon laban sa jeepney modernization ipinababasura ng DOTR at LTFRB

Petisyon laban sa jeepney modernization ipinababasura ng DOTR at LTFRB

MANILA, Philippines – Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Supreme Court na ibasura ang petisyon na kumukwestyon sa ligalidad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Sa isinumiteng 65 na pahinang komento ng DOTr at LTFRB sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG), dapat idismis ang mga petisyon ng PISTON at iba pang transport groups dahil sa kawalan ng merito.

Una nang hiniling ng mga petitioner mapawalang bisa ang ilang direktiba ng DOTr at LTFRB kabilang ang deadline ng consolidation at maglabas ng temporary restraining order laban sa PUVMP.

Iginiit naman ng DOTr at LTFRB na hindi nasunod ng mga petitioner ang hierarchy of courts at ang mga kinakailangan na requirements para sa judicial review.

Nakasaad sa komento na walang actual case o controversy na magpapatunay na nakagawa ng grave abuse of discretion ang mga respondents.

Ang mga kinukwestyon na direktiba anila ay hindi labag sa due process, equal protection, right against unreasonable seizures, at sa right to freedom of association.

Nakasaad sa komento na ang mga inisyu na direktiba ng LTFRB ay para sa ligtas, sapat at environment-friendly na mga PUVs. Teresa Tavares

Previous articleIlang lalahok sa transport protest, hinarang ng mga pulis – Manibela
Next articleTINGNAN: Transport protest vs PUVMP, umarangkada na!