Home NATIONWIDE Petisyon ni Goma vs pulis na nagsangkot sa kanya sa droga ibinasura...

Petisyon ni Goma vs pulis na nagsangkot sa kanya sa droga ibinasura ng CA

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang administrative complaint na isinampa ng aktor at Leyte 4th District Rep. Richard I. Gomez laban sa ilang pulis na nahdamay sa kanya sa umano’y illegal drugs trade sa bayan ng Albuera sa Leyte.

Sa desisyun ng CA, pinagtibay nito ang ang 2019 decision ng National Police Commission (Napolcom) na nag-dismiss sa administrative case para sa grave misconduct, dishonesty, at conduct unbecoming of a police officer laban kina Police Chief Inspector Jovie Espenido, Police Chief Inspector Leo Laraga at Police Officer 3 Hydie Yutrago dahil sa kakulangan ng ebidensya at legal standing.

Una nang inihayag sa petition for review ni Gomez na nagkamali ang Napolcom ng ideklara nito na wala siyang legal personality para umapela na mabago ang desisyun na nagpawalang sala sa mga pulis.

Ipinaliwanag ng CA na sa mga administrative cases, ang complainant ay isa lamang testigo at walang sangkot na pribadong interes sa administrative case dahil ang sinasabing offense na nagawa ay laban sa gobyerno.

Ayon sa CA, mismong ang Supreme Court (SC) ang nagsabi na ang private complainant sa administrative case ay walang karapatan na umapela sa naging desisyun ng isang disciplining authority. Teresa Tavares

Previous article‘Bumaligtad’ na 2 environmental activist pinakakasuhan ng DOJ
Next articleLolong kanong pedophile hinarang ng BI sa NAIA