Home NATIONWIDE Petisyon sa pagkilala sa Hague ruling sa WPS vs China, pinahahain sa...

Petisyon sa pagkilala sa Hague ruling sa WPS vs China, pinahahain sa SC

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senador Francis Escudero nitong Huwebes, Agosto 3 ang gobyerno na maghain ng petisiyon sa Supreme Court (SC) sa pagkilala sa 2016 Hague ruling upang maiwasan ang future administrations na amyendahan ang pagkapanalo ng bansa laban sa China.

Sa media briefing, iminungkahi ni Escudero na maghain ng gobyerno ng “Special Action for Recognition of Foreign Judgment” sa High Court upang pormal na kilalanin ang ruling Permanent Court of Arbitration (PCA) bilang bahagi ng batas ng bansa.

Pinalakas ng Arbitral Ruling noong 2016 ang paghahabol ng Pilipinas na nagbabasura sa nine-dash line ng China na sumasakop sa buong South China Sea.

Aniya, sa pamamagitan ng Solicitor-General, dapat pangunahan ng gobyerno ang paghahain ng petisyon sa pagkilala ng foreign judgment sa SC.

“The recognition of foreign judgment should be led by the Solicitor General as an official lawyer of the government,” aniya.

Sinabi ni Escudero na puwedeng isa sa magiging option ang kanyang mungkahi sa intensiyon ng Senate Resolution 718, na kumokondena sa patuloy na panghihimasok ng China sa West Philippine Sea at hikayatin ang Philippine Government na “take appropriate action in asserting and securing the Philippines’ sovereign rights over its exclusive economic zone (EEZ).”

Aniya, mas mahusay na alternatibo ang pagkilala ng SC sa Arbitral Ruling kaysa idulog ang bagay na ito sa United Nations General Assembly (UNGA), na mayroon maaaring disadvantage sa Pilipinas.

Sa pagsusulong ng “Special Action for Recognition of Foreign Judgment”, inamin ni Escudero na wala pang kaso ang Pilipinas katulad ng arbitral ruling pero iginiit na isa itong parallel analogy sa Article 26 ng Family Code na nagsasabing ”allows recognition of a foreign divorce obtained by the foreigner spouse abroad.”

Ipinaliwanag ni Escudero na sakaling kilalanin ng SC ang arbitral ruling na magiging bahagi ito ng batas, kung hindi magsasabatas ang Kongreso na may kaugnayan sa panukalang ito ay hindi maaaring baguhin at palitan ang anumang probisyon nito.

“The Constitution is part of the law of the land. The Constitution says all decisions, final and executory of the Court, whether it be the higher or lower court, shall form part of the law of the land,” aniya.

Inamin din ni Escudero na hindi siya lalagda sa Senate resolution sa West Philippine Sea kung igigiit ng kasamahan na idulog ito sa UNGA.

Aniya, nakipag-usap na siya kina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III at Sen. Risa Hontiveros hinggil dito bago aprubahan ang panukala noong Agosto 1. Ernie Reyes

Previous articleLalaking lasing nalunod sa ‘gang hitang baha
Next articleBuboy, sinabihang bastos!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here