Home NATIONWIDE PH agri output bahagyang tumaas noong 2023

PH agri output bahagyang tumaas noong 2023

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang agricultural output ng Pilipinas ng bahagyang pagtaas noong 2023 matapos na mabawasan sa nakalipas na tatlong taon.

Iyon nga lamang ayon sa Department of Agriculture (DA) ay mababa pa rin ito sa kanilang target.

Makikita sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang halaga ng produksyon sa agrikultura at palaisdaan ay lumago ng 0.7% sa nakalipas na tatlong buwan ng 2023, sa likod ng mas mataas na produksyon ng ‘crops, livestock at poultry.’

Ang halaga ng crop production ay tumaas ng 0.1%, habang ang palay production ay tumaas ng 0.1%. Nakita naman ang mas malaking pagtaas sa produksyon ng mangga na 11.4%, calamansi ng 4.0%, pinya ng 3.8%, sibuyas ng 3.4%, at ampalaya ng 3.2%.

Lumawak naman ang livestock production ng 2.7%, ang hog production ay tumaas ng 3.7%, goat production ng 1.3%, at dairy production ng 17.2%. Ang pagbaba ay iniulat sa produksyon ng baka at kalabaw.

Gayundin, sa poultry production ay nakitaan ng pagtaas sa halaga ng produksyon na 7.8%, habang ng lahat ng mga kalakal ay nakapagtala rin ng paglago gaya ng itlog ng manok ng 7.8%, itik ng 0.6%, at itlog ng itik ng 0.3%.

Ang mga pinakabagong kaganapan ay marka ng unang paglago matapos ang apat na taon, -0.1% noong 2022,-1.7% noong 2021, at -1.2% noong 2020.

Ang palaisdaan ang tanging subsector na nakitaan ng kontraksyon, dahil ang halaga ng produksyon nito ay nalaglag sa 5.2%.

Naitala ang pinakamalaking pagbagsak sa fimbriated sardines (tunsoy) bumaba ng 34.2%, threadfin bream (bisugo) ng 31.6%,  blue crab (alimasag) ng 31.2%, tiger prawn (sugpo) ng 15.4%, at cavalla (talakitok) ng 2.6%.

Samantala, ang halaga ng crop production ay lumawig ng 0.7%, habang ang volume ng palay (unmilled rice) produced para sa taon ay 20.059 million metric tons (MT), alinsunod ito sa pagtataya ng DA.

Umakyat naman ang livestock production ng 2.5% at poultry production ng 3.8%, habang ang palaisdaan naman ay lumiit ng 6.5%.

Lumawaka ng full-year value of production sa agrikultura at palaisdaan ng 0.4%, mas mababa sa 2.3% hanggang 2.5% target ng DA para sa taong 2023. Kris Jose

Previous articleSharon, lalayasan ang Pinas, may ‘serye’ sa Amerika!
Next articleKagawad todas sa pamamaril!