Home NATIONWIDE PH ambassador sa Tsina pauwiin na – solon

PH ambassador sa Tsina pauwiin na – solon

MANILA, Philippines- Pinapauwi ni Senador Francis Tolentino ang ambassador ng Pilipinas sa Beijing bilang protesta sa nakaraang harassment ng Chinese Coast Guard (CCFG) sa resupply ship ng Philippine Navy sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Tolentino, chairman ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, dapat pauwiin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang embahador ng Pilipinas sa Beijing.

Aniya, sa ganitong pamamaraan lamang maihahatid ng bansa ang matinding protesta at pagkondena ng Pilipinas sa panggigipit ng China sa WPS na sakop ng teritoryo ng bansa.

Panahon na rin umano na idulog ng Pilipinas ang isyu sa WPS sa United Nations.

Tinanggihan din ni Tolentino ang suhestiyon na magsagawa ng airdrop sa pagdadala ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal dahil may karapatan ang Pilipinas sa naturang karagatan.

Nitong Biyernes, muling binomba ng tubig ng CCG ang barkong nagdadala ang suplay sa tropang Filipino na nakatalaga sa Sierra Madre.

“CCG vessel 5203 deployed water cannon against Philippine supply vessel M/L Kalayaan in an illegal though unsuccessful attempt to force the latter to alter course,” ayon sa pahayag ng National Task Force-West Philippine Sea

“We condemn, once again, China’s latest unprovoked acts of coercion and dangerous maneuvers against a legitimate and routine Philippine rotation and resupply mission,” patuloy nito.

Dulot nito, naghain ang Pilipinas ng diplomatic protest laban sa China na hindi inaaksiyunan ng Beijing sa simula’t simula pa.

“The Philippine Embassy in Beijing has demarche the Chinese foreign ministry and protested these actions,” ayon sa NTF-WPS.

“The Department of Foreign Affairs has also reached out to them and conveyed our protest directly through the Maritime Communications Mechanism,” giit pa nito.

Patuloy na hinaharang at ginigipit ng China ang resupply ships patungo sa Ayungin Shoal.

Naunang kinondena ng ilang senador ang naturang insidente. Ernie Reyes

Previous articlePag-aresto sa Pharmally exec, pinawalang-saysay ng SC
Next articleHigit P1.6M ecstasy naharang ng BOC-NAIA