MANILA, Philippines- Ikinasa ng military forces mula sa Pilipinas at Australia nitong Lunes ang joint drills sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal bilang bahagi ng Exercise Kasangga” 2023.
Batay sa ulat, hindi bababa sa 43 miyembro ng Australian Army ang nakatakdang magturo sa 100 troops mula sa Philippine Army 2nd Infantry Division ng mga kasanayan sa urban warfare, counter-terrorism, at closed-quarter battle training.
Bahagi rin ng pagsasanay ang long-range markmanship technique.
“Lumalawak kasi ang pag-unawa mo. Lumalawak ang kaisipan mo, halimbawa kahit nasaan ang kalaban mauunahan mo siya,” pahayag ni Corporal Jessie Zulueta, 21 DRC, 2nd ID.
Bilang parte ng AUKUS (Australia-UK-US) Defense Agreement, isinusulong din ng Australia ang freedom of navigation sa South China Sea, na nauna nang kinondena ng China.
“These are only trainings that will enhance the capabilities of our armies. So it was mentioned by the commander-in-chief that these are only for defensive posture if our country will be attacked by any threat groups in the future,” pahayag ni Brigadier General Jose Agusto Villareal, Assistant Division Commander of 2nd ID.
“The 9th Kasangga or partnership is absolutely appropriate. It is a bilateral relationship between the Philippines and Australia and it is about our interoperability and keeping our region safe,” ani Australian Attache Colonel Paul Joseph Barta.
Nakatakdang dumating sa bansa ang ikalawang batch ng Australian troops sa susunod na buwan para sa pagpapatuloy ng pagsasanay sa Tanay, ayon sa ulat. RNT/SA