Home NATIONWIDE PH, Australia magsasagawa ng ‘small-scale’ joint drills sa Palawan

PH, Australia magsasagawa ng ‘small-scale’ joint drills sa Palawan

MANILA, Philippines- Naghahanda na para sa gaganaping small-scale bilateral military exercise sa pagitan ng Filipino at Australian troops sa Palawan.

Tututok ang Dawn Caracha 2023, mula Oct. 16 hanggang Oct. 27 na lalahukan ng halos 80 sundalo mula sa magkabilang panig, sa counterterrorism operations at special operations, ayon sa Western Command (Wescom).

Sinimulan ng mga sundalo ang kanilang paghahanda nitong Sabado sa pre-exercise movements at operational briefings, anito.

Oportunidad ang nasabing pagsasanay upang maipakita ng dalawang unit ang kanilang mga kakayahan, palakasin ang kanilang partnership, at isulong ang mas maigting na kolaborasyon.

“By emphasizing interoperability and joint efforts within the Wescom’s operational area, the exercise aims to enhance collaboration in tackling complex security challenges in the country’s western front,” anang Wescom.

Tanging Australia ang bansang may visiting forces agreement sa Manila, bukod sa United States.

Saklaw ng hurisdiksyon ng Wescom ang Palawan at ang Philippine claims sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Noong Agosto, nagsagawa ang Pilipinas at Australia ng large-scale exercise sa Palawan bilang bahagi ng Exercise Alon, kung saan sinanay sila sa depensa mula sa mga mananakop sa isang bayan na nakaharap sa West Philippine Sea. RNT/SA

Previous articleProperties ni Pokwang na may bakas ni Lee, naibenta na!
Next articleBI handang umasisti sa mga Pinoy na naipit sa Israel-Hamas conflict