Home HOME BANNER STORY PH-Australia Maritime Cooperative Activity umarangkada

PH-Australia Maritime Cooperative Activity umarangkada

MANILA, Philippines- Kasalukuyang nagsasagawa ang Philippine ang Australian vessels ng Maritime Cooperative Activity upang palakasin ang interoperability matapos paigtingin ng dalawang bansa ang relasyon nito sa strategic partnership noong Setyembre.

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagsisimula ng aktibidad nitong Sabado, na tinawag itong “a practical manifestation of the growing and deepening strategic defense partnership between our countries.”

Sinabi niya na nilalayon ng aktibidad na sanayin ang military personnel na magtulungan sa maritime security at domain awareness upang subukin ang mga doktrina at umiiral na protocol dito.

Aniya, susuportahan nito ang rules-based international order at isang “more peaceful, secure, and stable Indo-Pacific region.”

Bumisita si Australian Prime Minister Anthony Albanese sa Manila noong Setyembre para sa dayalogo at pagpapalalim ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Australia.

Ayon sa Australia’s defense ministry, sinabi ni Deputy Prime Minister Richard Marles na ipinapakita ng aktibidad ang commitment ng dalawang bansa “to a peaceful, secure and prosperous region, where sovereignty and agreed rules and norms are respected.”

Kabilang sa kinatawan ng Pilipinas ang BRP Gregorio del Pilar at BRP Davao del Sur, at Philippine Air Force surveillance aircraft.

Sasanayin sila kasama ang HMAS Toowoomba at isang Royal Australian Air Force P-8A Poseidon maritime surveillance plane sa katubigan ng exclusive economic zone ng Pilipinas, base pa sa Australia’s defense ministry alo.

Kasunod ang anunsyo ng matagumpay nal joint patrols sa pagitan ng Pilipinas at ng United States sa West Philippine Sea na natapos nitong Biyernes.

Mayroong kasunduan ang US at Australia sa Pilipinas na nangangasiwa ng visiting forces, kabilang ang mga kagamitan at tauhan.

Kasalukuyan ding ikinakasa ng Pilipinas ang parehong kasunduan sa Japan. RNT/SA

Previous articleKelot arestado sa baril, tobats
Next articleKung maisasakatuparan Marcos trip pledges, US investments sa Pinas papalo sa $763M ngayong 2023