Home HOME BANNER STORY PH civilian mission nakarating sa Scarborough Shoal

PH civilian mission nakarating sa Scarborough Shoal

Larawan mula sa Atin Ito Coalition

MANILA, Philippines- Nalampasan ng Philippine civilian mission ang pagharang ng Chinese vessels at matagumpay na nakarating sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Atin Ito Coalition nitong Huwebes.

“Despite China’s massive blockade, we managed to breach their illegal blockade, reaching Bajo de Masinloc to support our fishers with essential supplies. Mission accomplished!” pahayag ni Atin Ito co-convenor at Akbayan president Rafaela David.

“This stands as a testament to the ingenuity, resourcefulness and bravery of the Filipino spirit amidst formidable challenges,” dagdag niya.

Halos 200 volunteers at 100 mangingisda sakay ng limang bangka at 100 mas maliliit na sasakyang pandagat ang naglayag mula Masinloc sa Zambales nitong Miyerkules ng umaga patungo sa Panatag Shoal, na tinatawag ding Scarborough Shoal at Bajo de Masinloc.

Isang araw bago ang opisyal na pag-arangkada ng civilian mission, naglayag ang advance team nitong Martes, base sa Atin Ito.

Dumating ang advance team 25 to 30 nautical miles sa general vicinity ng Scarborough Shoal nitong Miyerkules.

“They swiftly delivered crucial provisions, including fuel and food, to Filipino fishers working in the area. Their efforts resulted in the distribution of 1,000 liters of diesel and 200 food packs,” anang organizer.

Nitong Huwebes, sinabi ni dating US Air Force official at dating Defense Attaché Ray Powell, na nagbabantay sa sitwasyon sa WPS, na 43 Chinese vessels, kabilang ang isang warship, ang nagtungo sa Scarborough Shoal upang harangin ang Filipino civilian mission.

Sa post sa X (dating Twitter), inihayag ni Powell na mayroong isang People’s Liberation Army (PLA) Navy ship, walong China Coast Guard (CCG) vessels, at 34 Chinese militia vessels  sa paligid ng Scarborough Shoal.

Bukod sa pamamahagi ng mga suplay sa mga mangingisda sa lugar, naglagay din ang grupo ng 12 symbolic orange buoys na may nakasulat na phayag na “WPS ATIN ITO!” RNT/SA