MANILA, Philippines – Inaalam pa ng Philippine Consulate General Office kung may Filipino bang nadamay sa pamamaril sa Lewiston, Maine sa Estados Unidos na nagresulta sa pagkasawi ng 22 indibidwal.
Sa pahayag, sinabi ni Consul General Senen Mangalile na kinakausap nila ang mga Filipino community leader sa Maine kaugnay sa sitwasyon.
“We are currently in touch with Filipino community leaders in Maine to ascertain if any Filipino was affected by the active shooter situation,” ani Mangalile.
“We will be grateful if anyone with direct knowledge of the matter gets in touch with us the usual way. We will continue to monitor the situation,” dagdag pa niya.
Sa huling ulat ay umabot sa 22 katao ang nasawi at nasa 50 hanggang 60 ang sugatan sa mass shootings sa iba’t ibang lokasyon sa Lewiston, Maine kabilang ang isang bowling alley at isang bar.
Tukoy na ng Lewiston Police Department ang person of interest sa mass shooting bilang si Robert Card, 40c-anyos, sabay-sabing siya ay ikinukunsiderang armado at mapanganib.
Nagpakalat na ng larawan ng suspek ang pulisya, kung saan tinukoy na ito ay isang “bearded man” na nakasuot ng brown hoodie jacket at jeans na may hawak na rifle sa firing position. RNT/JGC