MANILA, Philippines- Bahagyang bumaba ang COVID-19 positivity rate ng bansa sa 9.4 porsyento nitong June 21, ayon kay Octa Research fellow Guido David.
Batay sa nakaraang ulat ni David, bahagyang bumaba ang rate mula sa 9.5 porsyento na naitala noong June 20.
Sa Twitter post nitong Miyerkules ng gabi, iniulat ni David na nakapagtala ang bansa ng 497 bagong coronavirus infections, kung saan karamihan sa mga kaso ay mula sa Metro Manila sa 117, batay sa Department of Health (DOH).
Base sa bilang na ito, sinabi ni David na maaaring makapagtala ngayong Huwebes ng 500 hanggang 600 bagong COVID-19 cases.
Nauna nang iniulat ng DOH na nakapagtala ito ng 80 COVID-19 Omicron subvariants sa mga lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Western Visayas. Sa bilang na ito, 73 infections ang mula sa Western Visayas, habang naitala ang pito sa CAR. RNT/SA