MANILA, Philippines – Kailangan pang mas mag-invest ang Pilipinas sa naval at air defense assets para protektahan ang teritoryo nito, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr.
Ani Brawner, ang upgrade sa Air Force at Navy external defense capabilities ay kabibilangan ng mas advanced na jet fighters at iba pang air assets na kailangan sa pagpapatrolya kasama ng iba pang naval vessels.
“(Dahil archipelagic), kailangan talaga nating mag-invest sa maritime and air power unlike ‘yung ibang bansa (sa Southeast Asia) na land-locked,” sinabi ni Brawner.
Tinututukan ng AFP Modernization Program sa ngayon ang pagpapalakas ng kapabilidad na kinakailangan para protektahan ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Ang shift na ito ay nagpapatuloy sa ilalim ng Horizon 3 ng programa. RNT/JGC