Home NATIONWIDE PH e-Visa system sa Tsina sinuspinde

PH e-Visa system sa Tsina sinuspinde

MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Nobyembre 30, na pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Philippine e-Visa system sa China hanggang sa susunod na abiso.

Sa isang advisory, sinabi ng DFA na ang mga aplikante ng visa sa China ay pinapayuhan na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Philippine Embassy o Consulate sa pamamagitan ng pagbisita sa direktoryo sa https://dfa.gov.ph/about/dfa-directory/our-foreign-service-posts -dfa sa pag-lodging ng kanilang mga aplikasyon pati na rin para sa karagdagang mga katanungan.

Ayon sa DFA, wala pang paliwanag kung bakit sinuspinde ang mga operasyon. RNT

Previous articleKathniel, break na!
Next articleDumaraming bumibisitang sex offenders sa Pinas, nakaaalarma