MANILA, Philippines – KASALUKUYAN na ngayong bumubuo ang National El Niño Team ng iba’t ibang water conservation program na naglalayong pagaanin ang epekto ng nagbabadyang dry spell o tagtuyot sa bansa.
“Water conservation programs (will) be developed and implemented in national government offices,” ang nakasaad sa kalatas ng team kasunod ng lingguhang pulong nito.
Sinabi na ang water conservation program ay babalangkasin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Tungkulin din nito na tukuyin ang geographically challenged areas na mangangailangan ng augmentation o karagdagan na suplay ng maiinom na tubig.
Sanib-puwersa naman ang DENR at Department of Agriculture (DA) na bantayan ang pagbabawas ng water allocation para sa National Irrigation Administration (NIA) bunsod ng posibleng pagbaba ng water level sa Angat Dam.
Advertisement