Home NATIONWIDE PH Embassy sa Turkey nagpasaklolo sa paghahanap sa Pinay, mga anak

PH Embassy sa Turkey nagpasaklolo sa paghahanap sa Pinay, mga anak

86
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Embassy sa Ankara nitong Linggo na humingi ito ng tulong sa search and rescue teams para hanapin ang isang Pinay at kanyang mga anak, na nawawala pa rin mula nang tumama ang 7.8-magnitude lindol sa Turkey at Syria.

Inihayag ng Embahada na inilahad sa kanila ng Turkish family ng Pilipino ang impormasyon hinggil sa pagkawala nito at kaniyang mga anak.

“The Embassy has sought the assistance of search-and-rescue teams in Hatay City on the status of a missing Filipino and their children, feared to be still under rubble. This has been confirmed by her husband and her sister-in-law, both Turkish nationals,” ayon sa Embahada.

Sinabi ni Filipino Community in Turkey vice president Weng Timoteo nitong Linggo na naipagbigay-alam na ang detalye tungkol sa nawawalang Pilipina at mga anak nito sa Philippine consulate sa Istanbul at Embassy of the Philippines sa Ankara.

Hanggang nitong Biyernes, dalawang Pilipino ang kumpirmadong oatay dahil sa lindol, ayon sa Philippine Embassy.

“We acknowledge that several intrepid Filipinos were able to escape danger on their own accord, through sheer will and the kindness of their Turkish friends and family. We reiterate that the doors of the Embassy shelter are open for them,” pahayag ng embahada.

Samantala, halos 26 milyong indibidwal na ang apektado ng lindol sa Turkey at Syria ngayong linggo, ayon sa World Health Organization nitong Sabado. RNT/SA

Previous articlePamumuhunan ng Japanese energy giant sa bansa, pinuri ni PBBM
Next articleGlaiza at jowa, nagnegosyo, magbubukas ng coffee shop!