MANILA, Philippines – NAKABAWI ang Philippines’ exports noong Mayo, unang pagkakataon simula Nobyembre ng nakaraang taon.
Ito’y sa gitna ng pagtaas sa electronics sales, “top export” ng bansa.
TInukoy ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi nito na ang exports noong Mayo ay umabot sa $6.44 billion, tumaas ng 1.9% mula sa $6.32 billion sa kaparehong buwan noong 2022.
Sinabi ni Pascual na nalampasan pa ng Pilipinas ang Malaysia, Indonesia, Singapore, Thailand, at Vietnam dahil sa “May export growth” nito.
“The rebound in export sales for the first time since November last year could be attributed to electronics exports, which have picked up by 6.7% after plummeting since December last year,” ayon kay Pascual.
“This makes us optimistic that the slump has bottomed out and we can expect sustained growth in electronics exports in line with our overall export growth target under the new Philippine Export Development Plan,” dagdag na wika nito.
Nakapagtala rin ang sub-sectors ng electronics industry ng double-digit growth rates noong Mayo, partikular na sa “components at devices, o semiconductors, 15.91%; iba pang electronics, 34.53%, at consumer electronics na 27.28%.
Tinatayang 12 mula sa 48 Philippine export commodity groups ang patuloy at masigasig na binubuhay ang export sector ng bansa gaya ng “electronics, iba pang mineral products, coconut oil, gold, copper concentrates, pineapple at pineapple products, travel goods at handbags, processed tropical fruits, seaweeds at carrageenan, Christmas decor, fertilizers, at nickel.”
Ang electronics sector ay patuloy at nananatiling “biggest export” ng bansa, mayroong 57.5% ng kabuuang exports noong Mayo na may export sales value na $3.7 billion, tumaas ng $231.53 million taon-taon.
Sinabi pa ni PAscual na ang top market ng PIlipinas mula Enero hanggang Mayo 2023 ay China na may exports valued na $4.56 billion, sumunod ang Japan na may $4.24 billion. Kris Jose