MANILA, Philippines – NAG-ALOK ang World Bank at Asian Development Bank (ADB) na tutustusan ang food stamp program ng administrasyong Marcos na naglalayong suportahan ang isang milyong mahihirap na pamilyang pinoy sa iba’t ibang lugar sa bansa mula 2024 hanggang 2027.
Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang “Walang Gutom (No Hunger) 2027” program ay mangangailangan ng annual budget na P40 billion para makapagbigay sa targeted beneficiaries ng P3,000 halaga ng food stamps kada buwan.
“We will still have discussion with the economic team how to source. Alam ninyo naman sa gobyerno, ito ay talagang (may) challenge because of the limited resources that we have,” ayon kay DSWD Undersecretary Eduardo Punay.
“But since mayroon po tayong discussions na with development partners such as ADB, nandiyan po iyong iba gaya ng World Bank. We have received offers actually for funding,” dagdag na wika nito.
Sinabi ni Punay na ang DSWD ang magpipiloto ng programa mula Hulyo hanggang Disyembre na may USD3 million (approximately PHP168 million) technical assistance mula sa ADB.
Sa ilalim ng programa, ang beneficiary family ay makakukuha ng electronic benefit transfer card na may kargang P3,000-halaga ng food credits na maaaring gamitin para bumili ng mga piniling kalakal na nakalista sa
DSWD-accredited local retailers.
Sinabi ni Punay na ang credits ay hindi convertible sa cash at hindi maaaring withdraw-hin mula sa isang automated teller machine, gaya ng cash grants sa illaim ng “Pantawid Pamilyang Pilipino Program,” isang conditional cash transfer program.
Ang Filipino families na naka- tagged bilang “food-poor” ay iyong nabibilang sa pinakamababang income bracket, o mayroong monthly income na mas mababa sa P8,000.
Maliban sa dole-out, sinabi ni Punay na mayroong kautusan si Pangulong Marcos sa DSWD na gamitin ang
“Walang Gutom” , isang programa na “i-empower o i-capacitate” ang mga benepisaryo.
“In the design the DSWD is drafting, one of the conditions for a family to become a beneficiary is to get themselves involved in labor capacity building,” ayon kay Punay.
“We want them to enroll in training programs of DOLE (Department of Labor and Employment) and TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) so that we can capacitate them into standing on their own. So, while we’re helping them with their food requirements, siguro iyong maitutulong natin na pagkain sa kanila, pambili ng pagkain, gamitin na lang po nilang pamasahe papunta sa TESDA, papunta sa DOLE, paghahanap ng trabaho,” dagdag na pahayag ni Punay.
“Iyon po ang target nitong program na ito so that when they graduate after three or four years, mayroon na silang trabaho. So they can sustain their livelihood, they can sustain their food requirements,” dagdag na wika nito. Kris Jose