Home NATIONWIDE PH, Germany magtutulungan sa pagkuha ng skilled Pinoy workers – DMW

PH, Germany magtutulungan sa pagkuha ng skilled Pinoy workers – DMW

MANILA, Philippines – Nilagdaan ng Pilipinas at Germany ang magkasanib na deklarasyon ng layunin sa pakikipagtulungan sa pagpapaunlad ng mga kasanayan, recruitment, at trabaho ng mga skilled Filipino workers, inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni Migrant Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na nilagdaan nina DMW officer-in-charge Secretary Hans Cacdac at Germany Federal Minister for Foreign Affairs Annalena Baerbock ang deklarasyon noong Huwebes.

Ayon kay Caunan, ang parehong partido ay nagpahayag din ng interes sa paggalugad ng mga negosasyon at ang pagtatapos ng isang komprehensibong migration at mobility partnership agreement.

Ayon pa sa opisyal, nagkasundo ang dalawang bansa na mag-focus sa napapanatiling uri ng recruitmen kung saan titignan kung paano sila makakatulong.

“In our agreements, including the agreement with Germany, ay hina-highlight natin na joint effort dapat tayo pagdating sa pagde-develop ng bagong teachers para sa ating mag nurses,” sabi ni Caunan.

Dagdag pa, ginagawa na ito sa Germany at meron din silang programa dito sa bansa kung saan nagkakaroon ng scholarship sa mga nursing students at tinutulungan rin nila ang mga katuwang na mga eskuwelahan dito sa bansa.

“Tinutulungan nila when it comes to, of course upgrading ‘yung kanilang facilities sa curriculum to better prepare the workers,” dagdag pa ng opisyal.

Nauna ring nagpahayag si Baerbock ng pagpayag na makipagtulungan sa bansa sa Loss and Damage Fund na naglalayong tugunan ang epekto ng climate change.

Samantala, nakatakdang bumisita sa Germany si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Germany sa Marso.

Inihayag ito ng Pangulo sa pagbisita German Federal Foreign Minister Annalena Baerbock sa Malacañang Palace. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBagong disaster response command center binuhay ni PBBM
Next articleTimeline sa pagsusulong ng Cha-cha via peoples’ initiative, ibinuko sa Senado