Home NATIONWIDE PH gov’t nakahikayat ng 3 interesadong mamuhunan sa Maharlika fund

PH gov’t nakahikayat ng 3 interesadong mamuhunan sa Maharlika fund

64
0

TOKYO — Nakahikayat ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) ng hindi bababa sa tatlong investment commitments mula sa Japanese government-run at private financial institutions, ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo.

“We have some commitments but I don’t think it’s appropriate for me to name who they are,” pahayag ng Pangulo.

“But they have—there are already three commitments, substantial amounts that they are willing to invest in the fund. So we can begin there,” dagdag niya.

Sinabi rin ng chief executive na ang nasabing commitment ay mula sa public at private financial institutions sa Japan.

“Iba-iba. Mayroon mga government, pero mayroon ding private,” ani Marcos.

Nauna nang inihayag ni Speaker Martin Romualdez na isang high-ranking Japanese financial executive, na malaki ang papel sa pagkakasa ng sovereign wealth fund INA sa Indonesia, ang naghayag ng “strong interest” sa proposed MIF. 

Ipinasa ng Kamara ang House Bill (HB) No. 6608 o ang Maharlik Investment Fund Act, na nagbibigay ng independent fund mula sa investible funds ng piling government financial institutions (GFIs), mula sa kontribusyon ng national government, declared dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at iba pang funds sources.

Sa ilalim ng panukala, gagamitin ang pondo para ipuhunan sa strategic at commercial basis para isulong ang fiscal stability para sa economic development at palakasin ang top-performing GFIs sa pamamagitan ng karagdagang investment platforms na makatutulong na maabot ang priority plans ng pamahalaan.

Samantala, kasalukuyang tinatalakay sa Senado ang sarili nitong bersyon ng MIF bill. RNT/SA

Previous articleVFA sa pagitan ng Pilipinas, Japan, constitutional – Tolentino
Next articlePH Immigration wardens sasanayin ng US