Home NATIONWIDE PH gov’t nanindigan sa PUV consolidation deadline

PH gov’t nanindigan sa PUV consolidation deadline

MANILA, Philippines- Naninindigan pa rin ang pamahalaan sa posisyon nitong hindi palawigin ang deadline para sa konsolidasyon ng operators upang makatalima sa jeepney modernization program.

Inihayag ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan nitong Martes na wala nang extension ang December 31 due date, sa kabila ng apela mula sa drivers at operators na mas mahabang oras upang makasunod sa polisiya.

Subalit, nagdadalawang-isip pa rin ang ilang jeepney drivers at operators na lumahok sa kooperatiba o korporasyon. RNT/SA

Previous articleAFP: NPA fighters 1,500 na lang
Next articleTaas-sahod sa 2024 posible – DOLE chief