MANILA, Philippines- Hiniling ng gobyerno ng Pilipinas sa walong pamilyang Pilipino sa Gaza City na lumipat sa katimugang bahagi ng strip.
Ito’y sa gitna ng nakatatakot na ground assault ng Israeli forces laban sa militanteng Hamas.
“We are advising the eight families in Gaza City to relocate to the south near Rafah. I don’t have the numbers now but what I can assure you is that these Filipino families are planning to move out to safer places with shelter,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega.
Ani de Vega, may anim na pamilya sa hilagang bahagi ng Gaza ang iniwan na ang kanilang tahanan at lumipat sa katimugang bahagi ng Gaza na malapit sa Rafah, tawiran sa border ng Egypt.
Ang dalawang iba pang pamilya na may 15 miyembro na nasa Rafah, ay naghahanda na para lumikas.
Sa kabilang dako, iniulat din ni De Vega na ligtas naman ang walong pamilya at isang overseas Filipino worker na nakatira sa gitnang lugar ng Gaza at Kanyunis, malapit sa Rafah.
Sa ngayon, mayroong 131 Pinoy ang nakatira sa Gaza Strip, karamihan ay mga asawa at mga anak ng Palestinian national.
Sa ngayon, mayroong 92 Filipino ang humiling na iuwi na sila sa Pilipinas mula sa Gaza.
“Let’s hope that eventually we’ll be able to have that humanitarian corridor but we have to be ready, it could be anytime in the next few days or weeks maybe,” ayon kay de Vega. Kris Jose