Home NATIONWIDE PH gov’t sinisilip maghain ng bagong diplomatic protest vs Tsina – AFP...

PH gov’t sinisilip maghain ng bagong diplomatic protest vs Tsina – AFP exec

MANILA, Philippines- Inaasahang maghahain ng panibagong diplomatic protest ang pamahalaan ng Pilipinas laban sa China matapos libutan ng fighter jets nito ang isang Philippine Air Force aircraft patrol operation kamakailan sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nakipag-ugnayan sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang iulat ang detalye ng insidente.

“The Department of Foreign Affairs will continue to file diplomatic protest for their [China’s] presence in areas they are not supposed to [be]. They are not supposed to be there so they will continue to file diplomatic protest against China for that action,” giit ni Aguilar sa isang panayam nitong Martes.

Nauna nang iulat ng AFP earlier na inikutan ng dalawang Chinese fighter jets ang flight route ng isang PAF Super Tucano A-29B aircraft habang nagpapatrolya sa WPS bilang bahagi ng maritime cooperative activity (MCA) sa pagitan ng AFP at Australian Defence Force (ADF) nitong Linggo.

Bago ito, binuntutan naman ng Chinese vessel ang Philippine Navy at Royal Australian Navy vessels habang magkasamang nagpapatrolya sa WPS noong Nov. 25.

Sinabi ni Aguilar na nag presensya ng Chinese aircraft sa aerial patrol ng AFP sa WPS ay “illegal”.

“If we are going to follow the United Nations Convention on the Law of the Sea [UNCLOS], the presence of these Chinese aircraft is illegal because the UNCLOS clearly defines that that maritime area belongs to the Philippines’ exclusive economic zone,” aniya.

“Therefore, they have no reason [to be] on that area and, much more, undertake activities that will cause harm or may result to accident. But of course, they were also flying from a distance so the accident did not happen,” dagdag ng opisyal.

Noong 2023, naghain ang Philippine government ng mahigit 50 diplomatic protests laban sa China sa agresibong aksyon nito sa 200-nautical mile EEZ ng Pilipinas. RNT/SA

Previous articleP5.768T nat’l budget para sa 2024 lusot na sa Senado
Next articleZubiri: Muling pag-anib sa ICC nakasalalay kay PBBM