Home NATIONWIDE PH gov’t walang komunikasyon sa ICC probers – Abalos

PH gov’t walang komunikasyon sa ICC probers – Abalos

MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules, Enero 24 na wala silang komunikasyon sa mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC), na umano’y dumating sa Pilipinas upang mag-imbestiga sa drug war.

Sa press briefing sa Palasyo, tinanong si Abalos tungkol sa ulat na tapos nang mangalap ng ebidensya ang ICC probers kaugnay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Tumugon siya sa tanong na ito kung nakipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at local government units (LGUs), ang mga imbestigador.

Ang mga ito ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“As far as our office is concerned, the DILG, I have no knowledge about this. There’s no communication with them, nothing at all,” ani Abalos.

Nitong Lunes, sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV, na mayroon umano siyang impormasyon na dumating sa bansa noong Disyembre ang ICC probers.

Inaasahan aniya na ilalabas na ang warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang respondents na may kaugnayan sa imbestigasyon ng ICC laban sa war on drugs. RNT/JGC

Previous articlePubliko inanyayahan sa kick-off rally ng Bagong Pilipinas sa Linggo
Next articleComelec patuloy na tatanggap ng listahan ng mga pirma sa People’s Initiative