Home NATIONWIDE PH-India maritime exercise kasado

PH-India maritime exercise kasado

MANILA, Philippines- Nakatakdang magsagawa ang Pilipinas at India ng drills sa West Philippine Sea upang paigtingin ang maritime cooperation, ayon sa isang opisyal ng Philippine Navy nitong Martes.

Sinabi ni Philippine Navy spokesperson Commander John Percie Alcos na magsasagawa ang dalawang navy ng passing exercise (PASSEX) sa territorial waters ng bansa ngayong Linggo.

Bagama’t maaaring mabago ang mga partikular na aktibidad, karaniwang isinasagawa sa passing exercises ang drills na magsasanay sa mga navy ng dalawang bansa pagdating sa komunikasyon at pagtutulungan sa operasyon.

Ikakasa ang PASSEX sa western coast ng bansa sa Miyerkules, at “will focus on enhancing interoperability in both maritime security and disaster response operations,” ani Alcos.

Base kay Alcos, kasama sa PASSEX ang warfare exercises at seamanship serials upang matiyak ang maayos na pinagsamang operasyon, mapahusay ang mutual understanding, at maibahagi ang “best practices” sa pagitan ng dalawang pwersa.

“We have been conducting interoperability exercises with the Indian Navy regularly. This is in line with the Philippine Navy’s thrust to further develop ties with our strategic allies and other like-minded navies,” ani Alcos. RNT/SA