MANILA, Philippines- Lalong bumagal humina at bumagal ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Hunyo.
Mga larawan kuha ni Danny Querubin
Sa katunayan, nakapagtala ito ng lowest rate sa loob ng 15 buwan.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na ang headline inflation ay bumagal sa 5.4% noong Hunyo mula sa 6.1% noong Mayo, lowest rate na naitala simula 4.9% noong Abril 2022.
Noong Hunyo ng nakaraang taon, pumalo ang inflation sa 6.1%.
Ang core inflation, hindi kasama ang pabago-bagong presyo ng langis at food items ay bumaba rin sa 7.4% mula sa 7.7% noong Mayo.
Samantala, ang year-to-date headline inflation ay pumalo naman sa 7.2%
Larawan kuha ni Danny Querubin
“The downtrend in inflation was due to the slower annual increase in heavily-weighted food and non-alcoholic beverages at 6.7 percent in June from 7.4 percent in May,” ayon kay Mapa.
“The main contributor to the slower inflation of food and non-alcoholic beverages is the slower increase in the prices of meat and other parts of slaughtered land animals like chicken, fruits, and nuts, such as mango, and sugar, confectionery, and desserts,” dagdag na wika nito.
Ang mabilis na annual decrease sa transportasyon ay -3.1% sa panahon ng mga buwan na gaya na lamang ng -0.5% noong May 2023 na nakapag-ambag sa downtrend ng overall inflation.
Sinabi ni Mapa na ang pabahay, tubig, elektrisidad, gas at iba pang fuels ay “third main source of deceleration of the headline inflation in June 2023 with a 5.6 percent annual growth rate from 6.5 percent in May 2023.”
Ang Inflation sa National Capital Region (NCR) ay bumagal din sa 5.6% mula sa 6.5% noong Mayo.
Sa mga lugar na nasa labas ng NCR, ang inflation ay naging stable sa 5.3% mula sa 6% sa mga nakalipas na buwan.
“For the bottom 30 percent of households, inflation also decelerated to 6.1 percent in June from 6.7 percent in May,” ayon sa Malakanyang.
Samantala, matapos ang fifth consecutive month ng pagbaba ng headline inflation, kumpiyansa naman ang mga economic managers na ang inflation ay babalik sa 2% hanggang 4% na target range ng gobyerno sa katausan ng taon.
“We are making progress in managing inflation and we can expect that it will decline to within 2 (percent) to 4 percent by the end of the year. The government remains committed to protecting the purchasing power of the Filipino people by ensuring food security, reducing transport and logistics costs, and lowering energy costs for Filipino households,” ayon naman kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio M. Balisacan.
Ani Balisacan, naging mabilis nman ang gobyerno na makapagbigay ng agarang solusyon para mapagaan ang epekto ng pagtaas ng mga presyo lalo na para sa “most vulnerable sectors.”
Nauna rito, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang food stamp program ng Department of Social Welfare and Development’s, na inaasahan na magsisimula ang pilot implementation ngayong buwan.
Magbibigay ang programa ng access para sa pagkain para sa mga mahihirap at vulnerable households sa pamamagitan ng monetary-based assistance gamit ang electronic cards na may P3,000 halaga ng food credits.
“Meanwhile, the Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook will continue to take proactive steps to address the main causes of inflation. This is particularly important, considering the impending El Niño, which poses risks to food supply and prices,” ayon kay Balisacan.
Sinabi naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na ang kamakailan lamang na inflation data “confirms that the inflation momentum has continued to fade in recent months.”
“The consistent decline in inflation rate for the fifth consecutive month suggests the government’s continued progress in taming inflation. This indicates that we are on track to manage inflation to within target sometime in the fourth quarter of this year and below the lower limit of the target in the first quarter of 2024,” ani Diokno.
Tiniyak din ni Diokno na handa ang pamahalaan sa paparating na mga hamon at ibaba ang “cost of living” habang pinagyayaman ang isang robust economic environment na kaaya-aya sa paglago at macroeconomic stability. Kris Jose