Home NATIONWIDE PH intel services nakatutok sa external threats – PBBM

PH intel services nakatutok sa external threats – PBBM

MANILA, Philippines- Inilahad ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes na pinalakas ang intelligence services ng bansa dahil sa bagong mga banta.

Sa isang panayam, tinanong si Marcos ukol sa epekto ng intelligence gathering ng gobyerno sa gitna ng mga alegasyon ng destabilization plots laban sa pamahalaan.

”Well, pinatibay talaga natin ang ating intelligence services. It’s much better than it was before because marami nang ibang bagong kailangan na bantayan,” pahayag ni Marcos.

Subalit, sinabi pa ng Pangulo na nakatutok ang intelligence community sa external threats.

”So, yes they’ve been doing a good job and I think that we shouldn’t be talking about intelligence services kasi they’re supposed to be clandestine, eh,” paliwanag ng Pangulo.

“But maayos naman ang trabaho nila. But then, I think more than anything, they are really directed towards external threats rather than internal, because those are more serious as far as we’re concerned.”

Noong Enero, pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines ang mga akusasyon ng military destabilization plot laban sa Marcos administration.

Itinanggi rin ng Philippine National Police ang mga ulat ng mga pakana laban sa pamahalaan. RNT/SA

Previous articleVP Sara ‘dedma’ sa mga bagong alegasyon
Next articleP10.9M premyo sa Lotto 6/42 nasolo