MANILA, Philippines – Pumirma ang Pilipinas at Japan nitong Biyernes, Mayo 26 ng kasunduan para sa 17.4 billion yen na pautang para pondohan ang ikalawang bahagi ng MRT-3 rehabilitation.
Sa second phase ng proyekto, tutulong ang Japan sa patuloy na maintenance ng MRT-3 at magkokonekta sa Common Station para sa mas madaling paglipat ng mga pasahero mula LRT-1, MRT-7 at bagong Metro Manila Subway.
Inaasahang pauunlarin ng proyekto ang convenience ng mga pasahero at mas himukin pa ang mga tao na gumamit ng pampublikong transportasyon.
Matatandaan na naging kabi-kabila ang aberya sa MRT-3 dahil sa kakulangan ng tamang maintenance.
Dahil dito ay ikinasa ang maraming uri ng pagkukumpuni na bahagi ng phase 1 project at naibalik ang kaligtasan, ginhawa at mabilis na takbo ng tren sa tulong ng Japan.
Samantala, kabilang sa terms and conditions ng pautang ay ang interest rate na 0.1 percent per annum at repayment period na 40 taon, kabilang ang 10-year grace period. RNT/JGC