MANILA, Philippines – Target ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang approval ng key security pact sa pagitan ng Pilipinas at Japan bago matapos ang taon.
Layon nitong mapalakas ang defense cooperation, kasabay ng lumalalang tensyon sa South China Sea.
Ani Teodoro, naresolba na ang karamihan sa mga isyu sa “proposed accord, na tinatawag na
“reciprocal access agreement” o kilala bilang Visiting Forces Agreement.
“We would want to fast-track it because Senate is also waiting for it,” sinabi pa ni Teodoro.
“Our target is within the year.”
“Joint sail is okay but they (Japan) really need to participate in planning so I’m fast-tracking it as much as possible,” dagdag niya.
Hinihintay na lamang umano nila ang ilan pang inputs mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) bago ang agreement, na ipinasa sa Senado para sa ratipikasyon.
“There are some issues they (DFA) need clarity on, but I think it’s gonna be resolved already,” ani Teodoro.
Tanging ang Estados Unidos at Australia lamang ang may kaparehong security at defense accords sa Pilipinas.
Ang VFA sa US ay nagsimula noong 1999 at nagsisilbing legal framework para payagan ang American forces na bumisita sa bansa para sa
military exercises at magbigay ng humanitarian at disaster-response assistance.
Pumirma rin ng kaparehong kasunduan ang Australia at Pilipinas noong Mayo 2007 na tinatawag na, Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA), na hiwalay na niratipikahan kalaunan.
Pinapayagan sa ilalim ng SOVFA ang joint training at exercises sa pagitan ng Australian at Filipino forces sa bansa.
Mahigit 100 Australian military personnel ang nakibahagi sa pinakamalaking US-Philippine “Balikatan” military exercises noong Abril. RNT/JGC