Home HOME BANNER STORY PH jobless rate bumaba sa 3.1% noong Dec. 2023

PH jobless rate bumaba sa 3.1% noong Dec. 2023

MANILA, Philippines- Bumaba ang proporsyon ng unemployed Filipinos sa kabuuang labor force sa huling buwan ng 2023.

Mayroong 1.6 milyong indibidwal na walang trabaho noong December 2023, mas mababa mula sa 1.83 milyon sa naunang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules.

Dinala nito ang jobless rate sa 3.1 porsyento, pinakamababa mula nang pairalin ng PSA ang bagong depinisyon ng “unemployment” noong 2005.

”We welcome the news of a record-low unemployment rate, signifying the economy’s sustained momentum and resiliency of our labor market,” pahayag ni Secretary Arsenio Balisacan ng National Economic and Development Authority said.

Lumuwag ang “joblessness” sa karagagang 658,000 indibidwal na napasama sa labor force sa month-on-month basis.

Samantala, naitala naman ang 11.9 percent underemployment rate noong December 2023, mas mataas sa November figure na 11.7 percent subalit mas mababa sa 12.6 percent rate na naitala noong 2022. Nangangahulugan ang mas mataas na underemployment rate ng “declining job quality.” RNT/SA

Previous articleP1.5M tobats nasabat sa buy-bust
Next article‘Transparency’ sa AES deal inihirit sa Comelec