Home NATIONWIDE PH mangunguna sa pagpapairal sa rule of law, pagsusulong ng social stability...

PH mangunguna sa pagpapairal sa rule of law, pagsusulong ng social stability sa ASEAN sa bagong ALA Philippines officers

MANILA, Philippines- Kumpiyansang ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sa pagkakahalal ng bagong opisyal ng Philippine National Committee of ASEAN Law Association (ALA) Philippines, pangungunahan ng bansa ang pagsuporta sa rule of law at i-promote ang social stability at economic prosperity sa Southeast Asia.

“With the election of the new Philippine National Committee officers of ALA Philippines, I am confident, the Philippines will take the lead in upholding the rule of law and promoting social stability and economic prosperity in the ASEAN Region,” ayon kay Pangulong Marcos matapos pasumpain sa kanilang tungkulin ang mga opisyal at miyembro ng ALA Philippines Inc. sa Palasyo ng Malakanyang.

“The country’s representation to international bodies such as the ALA reflects the Philippines’ continued commitment in strengthening multilateral cooperation with its neighboring countries,” dagdag niya.

“This is particularly vital in achieving its goal of a just global community amidst the critical geopolitical issues being confronted by the country with in the region,” ang pahayag pa rin ng Punong Ehekutibo.

“We count on your insights, and experience, and law, and the administration of justice to harmonize the respective national laws of every ASEAN country so as to achieve common consensus on concerns within  our region,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga bagong nanumpang opisyal.

Pinuri rin ng Pangulo ang Korte Suprema para sa pagtanggap ng tungkulin na mag-host ng Council of ASEAN Chief Justice Meeting, kasama ang ASEAN Law Association General Council Meeting sa darating na Nobyembre 2024.

Pinuri rin nito si Chief Justice Alexander Gesmundo para sa pagtanggap ng posisyon ng Philippine National Committee Chairperson ng ALA Philippines.

Kasabay nito, nagbigay naman ng kanyang commitment si Pangulong Marcos para sa paggalang at pagsunod ng administrasyon sa “autonomy” ng hudikatura, nangako na palalakasin ang partnership sa pagitan ng Executive at Judiciary.

Nagpahayag din ng kanyang suporta si Pangulong Marcos sa hudikatura sa pag-implementa sa Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027.

Itinatag ang ALA ng ASEAN lawyers noong Pebrero 1979 sa Jakarta, Indonesia, sa pamamagitan ng panukala ni Singaporean Professor Tan Sook Yee at namayapa at dating senador Edgardo Angara, naglalayon na lumikha ng regional organization para sa mga abogado sa ASEAN region.

“It also aims to promote close relations, cooperation, and mutual understanding among lawyers in the ASEAN countries, provide organizational cooperation in law research, provide organizational facilities for ASEAN cooperation in conflict avoidance, arbitration and resolution of legal disputes, and push for cooperation with international, regional, national, and other organizations,” ayon sa ulat.

Ang ALA Philippines Inc. na itinatag noong Hunyo 25, 1981 ni Angara at 13 iba pang legal luminaries sa bansa. Kris Jose

Previous articlePlebisito sa Cha-cha iminungkahing isabay 2025 midterm polls
Next articleAbueva sinampal ng P100K fine ng PBA