Home NATIONWIDE PH manufacturing tumaas noong Disyembre – PSA

PH manufacturing tumaas noong Disyembre – PSA

MANILA, Philippines – Bagama’t tumaas ang volume of production index noong Disyembre 2023 ay nakapagtala ng pagbagal sa nasabing taon ang paglago sa Philippine manufacturing, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, lumago ng 2.0% noong Disyembre ang volume of production index (VoPI), ang pinakamataas sa loob ng tatlong buwan mula nang maitala ang 9.8% noong Setyembre.

Ito ay maikukumpara sa 1.8% noong Oktubre, ngunit mas mababa sa downward-revised 4.5% na naitala noong Disyembre 2022.

“The expansion in the annual growth of the VoPI in December 2023 was mainly brought about by the slower annual decline in the manufacture of food products,” ayon sa PSA.

“The manufacture of food products contributed 34.5% to the uptrend of VoPI for the manufacturing section in December 2023,” dagdag pa nito.

Siyam na industry divisions ang nakakita ng paglago noong Disyembre, ito ay ang manufacture ng basic pharmaceutical products sa 38.2%; coke at refined petroleum products ng 38.1%; electrical equipment ng 30.8%; basic metals ng 20.8%; transport equipment ng 16.4%; textiles ng 10.0%; furniture ng 3.3%; papel ng 2.8%, at reproduction of recorded media sa 1.3%.

Nakapagtala naman ng pagbagal ang 13 industry divisions. Ito ay ang wood, bamboo, can, rattan articles ng 55.3%; leather at related products ng 33.0%; machinery ng 17.8%; computer, electronic at optical products, and beverages ng 16.5%; iba pang non-metallic mineral products ng 15.6%; fabricated metals ng 12.0%; tobacco products ng 11.9%; rubber at plastic products sa 8.9%; wearing apparel ng 7.8%; chemicals ng 2.8%; other manufacturing and repair ng 2.3%; at food products ng 1.4%.

Samantala, ang value of production index (VaPI) ay tumaas ng 2.6%, mas mabilis sa 2.0% noong Nobyembre ngunit mas mabagal sa 10.1% sa kaparehong buwan noong 2022.

“The expansion in the annual growth of the VaPI in December 2023 was mainly attributed by the slower annual decrease in the manufacture of food products,” anang PSA.

Ang pinakamalaking annual growths para sa nasabing buwan ay naitala sa manufacture ng basic pharmaceutical products sa 38.4%, coke at refined petroleum products sa 32.5%, at electrical equipment ng 31.9%.

Iniulat naman ang 74.3% average capacity utilization rate sa manufacturing section noong Disyembre, mas mababa mula sa 74.8% noong Nobyembre.

Ang pinakabagong datos ay nagdala sa full-year VoPI growth sa 4.4%, mas mabagal sa 15.1% noong 2022, at 52.6% noong 2021.

Nasa 5.9% ang paglago sa VaPI, bumaba mula sa 22.5% noong 2022 at 49.2% noong 2021. RNT/JGC

Previous articleP28M marijuana,  shabu inabandona sa Kalinga
Next articleMahigit 500 tirahan, naabo sa sunog sa dalawang barangay sa Palawan