Home NATIONWIDE PH nais makipagtulungan sa Indonesia sa mineral processing, halal

PH nais makipagtulungan sa Indonesia sa mineral processing, halal

MANILA, Philippines – Ipinakilala ng Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang mga sektor ng mineral processing, halal, at creative industries na maaari umanong mapagtulungan ng Pilipinas at Indonesia.

Nitong Miyerkules, Enero 10, ay nakipagkita si Pascual sa mga Indonesian businessman na bahagi ng delegasyon ni Pangulong Joko Widodo sa kanyang official visit.

“I urge Filipino and Indonesian business leaders to seize this opportunity to enhance bilateral trade and investment,” sinabi ni Pascual sa Joint Philippines-Indonesia Roundtable Meeting sa Makati City.

Hinimom niya ang mga Filipino at Indonesian businessman na magkaroon ng mas maraming ugnayan sa pagproseso ng nickel at copper, kung saan kapwa mayaman ang dalawang bansa rito, maging ang halal sector at creative industries.

“Our nations are both rich in nickel and copper — vital for green technologies such as electric vehicles. By leveraging these resources and close collaboration, we can facilitate a transition towards a sustainable, low-carbon economy,” aniya.

Ayon pa kay Pascual, ang halal sector ay isang untapped potential para sa dalawang bansa.

“Such measures align with Indonesia’s goal to enhance regional connectivity, catalyzing the flow of goods and invigorating the trading routes between the Philippines and Indonesia,” sinabi ni Pascual.

Nanawagan din siya sa Filipino at Indonesian businesses na pumirma ng mga kasunduan sa creative industries kasabay ng pagpirma sa Memorandum of Understanding on the Creative Economy noong 2022, sabay-sabing “the time is ripe to harness its full potential” of the said cooperation.

“The Philippines is eager to forge strong ties with Indonesian enterprises, sharing insights and strategies to amplify the benefits of this agreement. We see vibrant opportunities for collaboration in film, gaming, and animation sectors… We invite our Indonesian counterparts to explore these avenues with us as we open our doors to expanded collaborations and operations,” dagdag ni Pascual. RNT/JGC

Previous articleResidential area sa Maynila, nasunog!
Next articleOutstanding fisherfolks pinarangalan sa Navotas