Home NATIONWIDE PH nakikipag-ugnayan na sa Iran para sa pag-uwi ng 18 Pinoy seafarers...

PH nakikipag-ugnayan na sa Iran para sa pag-uwi ng 18 Pinoy seafarers ng sinalakay na tanker

MANILA, Philippines- Mayroong patuloy na koordinasyon sa pagitan ng mga awtoridad ng Pilipinas at Iran sa kapalaran ng 18 Filipino seafarers na kanilang hawak matapos sakupin ang kanilang barko sa Gulf of Oman, sinabi ni Department of Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Cacdac nitong Linggo.

Binanggit ng opisyal ang impormasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang ahensyang namamahala sa negosasyon para sa pagpapalaya ng mga marino.

Muli namang binanggit ni Cacdac ang naunang ulat na ligtas ang kalagayan ng seafarers.

“Alam natin na sila ay ligtas sa ngayon at tayo ay nagdadasal kasama ng pamilya ng mga nasa St. Nikolas na sila’y makauwi na sa lalong madaling panahon,” ani Cacdac.

Gayunman, hindi ibinunyag ng opisyal ang karagdagang detalye tungkol sa kanilang tuluyang paglaya at pagpapauwi sa Pilipinas dahil ito ang hinahawakan ng DFA.

Binubuo umano ang crew ng 18 Filipino at isang Greek national. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePirmang nakalap sa people’s initiative maaaring mapawalang-bisa kung..
Next articleSC: Self defense maaring gamitin sa paulit-ulit na panununtok