Home HOME BANNER STORY PH Navy: Halos 25 Chinese warships umaaligid sa Mischief Reef

PH Navy: Halos 25 Chinese warships umaaligid sa Mischief Reef

MANILA, Philippines- Iniulat ng Philippine Navy nitong Martes na nasa 15 hanggang 25 Chinese warships ang namataan sa paligid ng Mischief Reef oo r Panganiban Reef, halos 25 milya lamang mula sa Ayungin Shoal kung saan nakatakdang magsagawa ang pamahalaan ng resupply mission para sa mga sundalo sa military outpost doon.

Sa isang press conference, sinabi ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na 200 Chinese militia ships at 10 hanggang 15 China Coast Guard ships ang naobserbahan malapit sa lugar.

“This is in Mischief Reef. Every now and then they get deployed all over the South China Sea… At any time, they will be moving, some of them will be anchored, especially the maritime militia, so it is difficult to give you the exact number at an exact point in time,” pahayag ni Navy spokesman.

Sa kabila nito, sinabi ni Trinidad na ang sitwasyon ay “not alarming” ati itinuturing na “normal.”

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagpapatuloy nito ang resupply missions sa BRP Sierra Madre sa kabila ng pagkukumpulan ng Chinese vessels malapit sa Ayungin Shoal, kilala rin bilang Second Thomas Shoal.

Ang BRP Sierra Madre ay isang World War II ship sa Ayungin Shoal na mula pa 1999 ay naroon na, simbolo ng soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Magpapatuloy ang resupply missions sa pamamagitan ng sea vessels kapag nakumpuni na ang resupply ships.

Late last week, former United States Air Force official and ex-Defense Attaché Ray Powell said in a post on X (formerly Twitter) that some 50 Chinese vessels were monitored near Ayungin Shoal. RNT/SA

Previous articleCristy, nagsalita na, di iboboto si Willie!
Next articleKasunduan sa S. China Sea security, bigas sinelyuhan ng PH, Vietnam