Home NATIONWIDE PH Navy: Maritime Zones Act magbibigay sa AFP ng ‘better defense approach’

PH Navy: Maritime Zones Act magbibigay sa AFP ng ‘better defense approach’

MANILA, Philippines – Magbibigay-daan ang proposed Philippine Maritime Zones Act sa mga militar na magkaroon ng “better approach” para protektahan ang maritime territories ng bansa.

“This will afford the PN (Philippine Navy) and the Armed Forces (of the Philippines) (AFP) a better approach in governing our maritime zone, the Comprehensive Archipelagic Defense Concept mentioned by the Secretary of Defense (Gilberto C. Teodoro Jr.) would allow the Navy and the AFP, or rather would mean that the Navy and the AFP would have more forces that would be able to protect and to preserve our maritime entitlements,” sinabi ni PN spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Roy Vincent Trininad sa press briefing nitong Martes ng hapon, Pebrero 27.

Sa oras na maisabatas, sinabi ni Trinidad na magbibigay-daan ang hakbang para sa Pilipinas at military nito na magkaroon ng “clearer perspective of the maritime domain.”

“Thus, our governance and preserving the maritime entitlements will be much better,” ipinunto ni Trinidad.

Nauna nang sinabi ni Teodoro na ang concept ay magbibigay-daan sa Pilipinas na i-project ang military power nito sa mga lugar, kabilang ang exclusive economic zone, na dapat protektahan at ipreserba sa ilalim ng Konstitusyon.

“So other than a forward-looking concept, we are evolving into a defense concept which projects our power into our areas where we must by Constitutional fiat and duty, protect and preserve our resources,” anang opisyal.

Layon ng Senate Bill No. 2492, na unanimously passed ng Senado ay naglalayong magsilbing cornerstone ng maritime policy ng bansa, protektahan ang soberanya, i-promote ang sustainable development, at siguruhin ang future prosperity.

Inakdaan ni Senador Francis Tolentino ang panukala na naglalayong ideklara ang karapatan at entitlements ng Pilipinas sa maritime zones nito, kabilang ang underwater features na ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). RNT/JGC

Previous articleDennis, may bago nang jowa, ‘nilayasan’ ng asawa!
Next article3 menor de edad huli sa pot session