MANILA, Philippines- Minamanmanan ang isang Philippine Navy warship ng dalawang Chinese Coast Guard vessels at dalawang Chinese maritime militias malapit sa Mischief Reef – isang low-tide elevation sa Spratly Islands, kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Sabado.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na nagsagawa pa ang Chinese maritime militia “fishing vessels/boats” ng intercept course patungo sa Philippine Navy warship.
Nitong Feb. 1, nagbago ng direksyon ang BRP Andres Bonifacio sa kanluran sa paglapit ng China maritime militia vessels na halos walong kilometro, ayon kay security innovator Ray Powell.
Pasok ang Mischief Reef sa 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas.
Inihayag ni Balilo na nagsasagawa ang BRP Andres Bonifacio ng patrol at search mission.
Bagama’t nagmanman ang Chinese vessels, hindi ito nakialam sa operasyon at misyon ng BRP Andres Bonifacio. RNT/SA