Home HOME BANNER STORY PH palit-istratehiya vs Chinese aggression

PH palit-istratehiya vs Chinese aggression

MANILA, Philippines- Kailangan ng Pilipinas na palitan ang istratehiya sa pagsalungat sa agresyon ng China sa  West Philippine Sea dahil ang “diplomatic efforts” ay mayroon lamang “very little progress.”

Ang kasalukuyang diplomatic efforts aniya sa China, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay patungo sa “poor direction.”

“Well, [up] to this point, we have resorted to the traditional methods of diplomacy where, should there be an incident, we send [a] note verbale. Our embassy will send a démarche to the Foreign Affairs (Ministry) office in Beijing, but we have been doing this for many years now, with very little progress,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa Japanese media, araw ng Sabado.

“We have to do something that we have not done before. We have to come up with a new concept, a new principle, a new idea so that we move, as I say, we move the needle the other way. Let’s move the needle back, so that paradigm shift is something that we have to formulate,” ayon kay Pangulong Marcos, na nasa Japan para dumalo sa 50th anniversary of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Japan Relations.

Sa ulat, matapos ang paggamit ng water cannon sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Sabado, ang mga barko naman ng Pilipinas na magsasagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre ang binomba ng tubig ng China Coast Guard kamakailan.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, sa pagtira ng water cannon ng CCG, nasira ang engine ng M/L Kalayaan.

Magsasagawa ng RORE mission ang M/L Kalayaan kasama ang BRP Cabra at Unaizah Mae (UM) 1 BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea nang bombahin ng CCG.

Nabatid kay Tarriela na maging ang UM1 ay binangga ng CCG vessel.

“Regular RORE to BRP SIERRA MADRE this morning. BRP CABRA, Unaizah Mae 1, and M/L Kalayaan water cannoned by China Coast Guard. M/L Kalayaan suffered serious engine damage. Contrary to China Coast Guard disinformation, UM1 rammed by CCG vessel,” nakasaad sa post ni Tarriela sa X.

Kaya naman para pahinain ang tensyon sa West Philippine Sea, sinabi ng Pangulo na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan sa partners nito sa Indo-Pacific region sa  “rest of the world,”  kung kinakailangan.

Tinuran ng Pangulo na, “We do not want to go [to] the point where there are incidents that might cause an actual violent conflict. Maybe from a mistake or a misunderstanding and these things happen all the time.”

“And so, we have, in my review, it’s time that the countries that feel that they have an involvement in this situation, we have to come up with a paradigm shift,” patuloy niya.

Winika ng Chief Executive na  napakaraming ideya kaugnay sa “paradigm shift,” subalit kabilang sa kasalukuyang pagsisikap ang pag-uusap sa partner ng bansa para makapagpalabas ng  joint position.

“We have to bring all of those ideas together and to change the direction that these incidents have taken us. We have to stop going that way. We’ve gone down the wrong road. We have to disengage and find ourselves a more peaceful road to go down,” wika ni Pangulong Marcos.

“We have, as I have said, the consensus that we must continue to promote peace, but we have to decide amongst ourselves what part each of us plays and what we can play, what we are willing to play,” dagdag na pahayag nito.

“So, and put that—put all of those elements together so that we have a, so that we have a good plan that will take us as I’ve said, down, not the road to conflict, but down the road to peace.”

Sa naging biyahe ng Pangulo sa Japan, sinabi nito na walang dahilan para patalsikin sa pwesto si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian,  sa kabila ng panawagan mula sa ilang filipinong mambabatas nna pabalikin na sa Beijing si Huang.

Ang trabaho aniya ni Huang bilang ambassador ay para ihayag ang posisyon ng Beijing sa usapin, kaya tama lamang na ginagawa ni Huang ang kanyang trabaho. Kris Jose

Previous articleBong Go sa BHW: Kayo ang lakas ng komunidad
Next articleKahit kumapit sa ibang bansa, Pinas ‘di aatrasan ng Tsina sa WPS – opisyal