Home NATIONWIDE PH passport ika-78 sa 2024 global ranking – advisory firm

PH passport ika-78 sa 2024 global ranking – advisory firm

MANILA, Philippines- Mayroong visa-free access ang mga Pilipino sa 69 bansa at teritoryo, dahilan upang pumwesto ang bansa sa ika-78 pagdating sa travel freedom, ayon sa ulat nitong Lunes.

Batay sa 2024 global index ng isang citizenship at residence advisory firm, sinabi sa report na nanguna sa listahan ang Singapore, France, Germany, Italy, Spain at Japan.

Ilang beses nang nanguna ang Singapore sa global passport index.

Kung bakit nahuhuli ang Philippine passport kumpara sa iba, maaari umanong may kinalaman ito sa “mindset” ng ibang bansa.

“Kasi ‘yung mindset ng ibang lahi, nagpupunta lang ‘yung mga Pilipino doon agad tingin nila trabahador. Hindi sila nagpupunta roon para maging tourist. Kaya ganon sila kahigpit,” anang isang traveler. RNT/SA

Previous articleOverseas Pinoy prayoridad sa pag-isyu ng voter’s ID
Next articlePalengke sa QC nasunog!