Home NATIONWIDE PH passports na nakuha ng mga foreigner, iniimbestigahan na ng NBI

PH passports na nakuha ng mga foreigner, iniimbestigahan na ng NBI

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Philippine passports na nakuha ng ilang foreigner, sinabi ni NBI Director Medardo De Lemos nitong Lunes, Nobyembre 13.

“[U]muusad naman ang imbestigasyon ng ating Anti-Fraud [Division] saka International Operations Division,” ani De Lemos sa isang ambush interview.

Ito ay kasunod ng pagbawi ng Senado sa pag-apruba sa proposed 2024 budget ng Philippine Statistics Authority dahil sa umano’y pagbibigay ng authentic birth certificates sa mga dayuhan.

Ayon sa opisyal, ang naturang mga dayuhan ay nagpanggap na Filipino sa pamamagitan ng, “presentation of authentic and genuine PSA birth certificate, with valid government-issued ID cards that are accepted for a passport application.”

Ani De Lemos, nahuli rin ang isa pang dayuhan na sinusubukang kumuha ng authentic PSA birth certificate.

“Meron nga kaming isang regional or district office kung saan may nahuli na foreigner na nagse-secure yata ng birth certificate. Hindi ko pa masabi ang detalye ngayon,” ayon sa opisyal. RNT/JGC

Previous articleJames at Issa, nag-unfollow sa IG, break na?
Next articleTolentino dumalo sa ika-417 taon ng Tanay