Home NATIONWIDE PH pinaghahanda ni Binay sa ‘Big One’

PH pinaghahanda ni Binay sa ‘Big One’

96
0

MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Nancy Binay sa pamahalaan na pagtuunan ang posibleng “Big One” ng lindol tulad ng sumalanta sa Turkey at Syria na maaaring maganap sa bansa anumang oras kaya’t nararapat nang magkaroon ng malawakang paghahanda.

Sa pahayag, sinabi ni Binay na bukod sa patuloy na earthquake drill na isinasagawa sa buong bansa, kailangan din mamuhunan ang pamahalaan sa  search and rescue equipment na gagamitin sakaling lumindol sa bansa.

Aniya, isang paalala sa pamahalaan ang naganap na 7.8 lindol sa Turkiye at Syria na ikinamatay ng dalawang Filipino at nagwasak sa maraming gusali at kabahayan sa naturang lugr.

“We should still continue our earthquake drills. Those who also check our buildings should check the safety of these structures especially our bridges, particularly those that are old, and of course, other similar infrastructure,” ayon kay Binay sa interview.

Kasabay nito, hinikayat din ni Binay ang gobyerno na Estriktong ipatupad ang earthquake-resilience measures at palakasin ang information driver hinggil sa aktibong fault lines sa buong bansa.

Sinuportahan din ni Binay ang pagkilos ng pamahalaan na magsagawa ng retrofitting sa lumang istruktura sa Metro Manila.

Gayunpaman, sinabi ng mambabatas na malaking tulong sa preparasyon ng pamahalaan ang kamalayan ng Filipino sa “Big One” para sa mapinsalang lindol at nakikilahok ang mas maraming   local government units (LGUs) dito.

“Maybe it has become a way of life for us, especially after super typhoon Yolanda happened. The awareness is there, we only have to sustain it,” she said.

“I guess, we just have to continue what we are doing, the information campaign should be sustained that if the ‘Big One’ scenario happens, we are all prepared, like the schools should be prepared with go bags for the kids,” giit niya.

“But we need to invest in search and rescue equipment that should all be ready and available. That is one of the many things we still have to improve on. During the Yolanda, we lacked satellite phones,” dagdag ng mambabatas. Ernie Reyes

Previous articleIka-5 taon ipinagdiwang sa VSMMC sa Cebu City; MALASAKIT CENTER MALAKING TAGUMPAY – GO
Next articleNutrisyon sa Pinas pinag-usapan ng DOH at WB