MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Pilipinas at Qatar na palalakasin pa ang kasanayan ng dalawang bansa upang mapigilan ang matinding epekto ng climate change.
Pinasalamatan ni Climate Change Commission (CCC) Vice Chairperson at Executive Director Robert E.A. Borje si His Excellency Ahmed Saad N. Al- Homidi, State of Qatar Ambassador to the Philippines, sa patuloy na suporta ng bansa sa Pilipinas sa nakalipas na ilang taon.
Kinilala ni Borje ang ugnayan ng Qatar sa Pilipinas, katulad ng suporta sa climate change.
“We are working closely with Qatar in line with President Marcos’ vision to address the climate crisis through collaboration with the international community. Qatar’s expertise and support can greatly benefit the Philippines to adapt to and mitigate the impacts of climate change,” ani Borje sa news release nitong Lunes, Oktubre 9.
Napag-usapan din ang potential areas of cooperation sa pagitan ng dalawang bansa at ang pangangailangan ng formal cooperation agreement na tututok sa technical assistance at policy development, partikular na sa mga lugar na nasa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nagpaabot ng official invitation ang CCC sa Qatar para maging miyembro ng contact group na “Empowering Nurtured Alliance for Climate Action and Transformation,” o ENACT.
Ang ENACT ay ang coordination mechanism ng CCC sa development partners at embassies nito para magsagawa ng regular dialogue at palakasin ang palitan ng ideya at best practices sa pagitan ng dalawang bansa at climate-related issues.
Kinilala naman ni Al-Homidi ang long-standing relationship sa Pilipinas at nagpaabot ng pagnanais na palawakin pa ang kooperasyon nito sa climate agenda ng bansa.
“The Philippines is a very important country for Qatar, and we want to explore engagement opportunities to make the bilateral relationship stronger. Our countries are working on signing a memorandum of understanding that will benefit both of us and serve as a catalyst for more bilateral partnerships,” ani Al-Homidi. RNT/JGC