Home NATIONWIDE PH umiiwas sa armed conflict vs Tsina; kapayapaan hangad sa S. China...

PH umiiwas sa armed conflict vs Tsina; kapayapaan hangad sa S. China Sea

MANILA, Philippines- Pinananatili ng Pilipinas ang kapayapaan sa Tsina sa gitna ng tensyon sa South China Sea (SCS).

Sa katunayan, dedma lang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa posibilidad na maglunsad ng giyera sa Beijing.

Sinabi ng Pangulo sa isang panayam na hindi kailanman nag-udyok ang kanyang administrasyon ng girian sa SCS.

Binigyang-diin ng Pangulo na ipinagtatanggol lamang niya ang teritoryo ng Pilipinas, sa gitna ng paglusob ng Tsina sa highly-contested waters.

“The threat has grown, and since the threat has grown, we must do more to defend our territory. And so maybe perhaps that’s what people are seeing — a more robust defense of our territorial rights, as recognized by the international community, through international law, through the UNCLOS (United Nations on the Convention on the Law of the Sea),” ayon sa Chief Executive.

“So, we feel very close to that. We have not instigated any kind of conflict. We have not instigated any kind of confrontation. We are just trying to feed our people. We are just hoping to let our fishermen fish, and to go about our business within our EEZ (exclusive economic zone) and within our baselines,” dagdag na wika nito.

Nang tanungin naman ukol sa kahandaan ng United States (US) na kampihan ang Pilipinas sakaling sumiklab ang armed conflict sa SCS, sinabi ng Pangulo na ang nasabing senaryo ay “precisely what we want to avoid.”

Winika pa rin nito na nakikipagtulungan na ang Pilipinas sa partners at kaalyado nito gaya ng Estados Unidos para mapigilan ang posibleng pag-igting ng tensyon sa pinagtatalunang katubigan.

“This is not poking the bear, as it were. We are trying to do quite the opposite. We are trying to keep things at a manageable level, to continue the dialogues, whatever they are, at every level,” giit niya.

“And we have initiated many of those dialogues. We have dialogues at the sub-ministerial level, at the ministerial level and at the executive level. And so, I think that’s what we hope to continue.” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Inulit naman ni Pangulong Marcos na wala siyang plano na pairalin ang 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) kasama ang Estados Unidos sa kabila ng tumataas na tensyon sa SCS. Aniya, iniisip niya ang kapayapaan “in the national interest.”

Wika pa niya, tanging “existential threat” ang maaaring mag-trigger sa Pilipinas para ipanawagan ang MDT, idagdag pa na ang Estados Unidos “has been certainly very supportive in every way.”

Gayunman, sinabi ng Punong Ehekutibo na mapanganib na isipin ang paghingi ng tulong sa Estados Unidos sa nakaambang paglala ng sitwasyon sa SCS.

“That’s an incursion, for example, to occupy, which has already happened. But we’re still trying to keep it peaceful,” giit ni Pangulong Marcos.

“And the United States has really shown that it takes very seriously these agreements that we have. But it is dangerous for one to think in terms of when something goes wrong, we’ll run to ‘Big Brother.’ That’s not the way we treat it at all. We do this for ourselves. We do this because we feel, that we have to do it. And it’s not at the behest of the United States,” litaniya nito.

Inihayag ito ng Pangulo bago pa ang kanyang nakatakdang trilateral summit kasama sina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington sa Abril 11 para talakayin ang agenda ng mga bansa na isulong ang kanilang “defense, security, at economic interests.”

Ang first-ever trilateral summit ay gagawin bunsod na rin ng “nakagagalit na aksyon” sa SCS. Kris Jose

Previous articleHigit 70 lalawigan masasapul ng El Niño sa sunod na 3 buwan
Next articleVP Sara nasa Cambodia para sa SEAMEO duty