MANILA, Philippines- Nakatakdang lagdaan ng Estados Unidos at Pilipinas ang “123 Agreement” ukol sa nuclear-related investments, kabilang na ang nuclear energy, sa byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa San Francisco, California.
“Yes,” ang pagtiyak ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez nang tanungin hinggil sa bagay na ito.
Sa pamamagitan ng 123 Agreement, makapagbibigay ito ng legal framework para sa civil at nuclear-related investments sa bansa.
Sa pamamagitan pa rin aniya ng kasunduan na ito, sinabi ni Romualdez na “we can import from the US the nuclear power technology.”
Sa kabilang dako, ang pag-uusap ukol dito ay nangyari nang bumisita sa bansa si US Vice President Kamala Harris.
Winika ni Pangulong Marcos na kasama ang Estados Unidos at iba pang partners, lalo na ang pribadong sektor, ay ”we will build the necessary infrastructure to help power a growing economy, as we transition to clean and renewable energy.” Kris Jose