Home NATIONWIDE PH, US combat jets nagsagawa ng air drill sa silangan ng Luzon

PH, US combat jets nagsagawa ng air drill sa silangan ng Luzon

162
0

MANILA, Philippines – Sumabak sa defensive counter-air (DCA) exercise ang mga combat aircraft ng Pilipinas at Amerika na isinagawa sa military training area sa silangan ng Luzon.

Ito ay bahagi ng hakbang ng dalawang bansa upang palakasin ang interoperability at cohesiveness sa pagitan ng dalawang air forces.

Sa pahayag nitong Linggo, Hulyo 9, sinabi ni Philippine Air Force spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, na ang DCA ay naganap nitong Sabado na bahagi ng ikalawang iteration ng nagpapatuloy na Cope Thunder exercises sa pagitan g PAF ant US Pacific Air Forces.

Nagsimula ang Cope Thunder exercises noong Hulyo 2 at magtatagal hanggang Hulyo 21.

“The objective of the DCA is to enable coordinated air operations among aircraft of different types, encompassing airspace control, threat identification and engagement, and mutual support,” dagdag pa niya.

Ani Castillo, nag-deploy ang PAF ng apat na
FA-50PH light jet aircraft habang ang US naman ay nagpadala ng apat na A-10 “Warthog” tank buster aircraft at F-22 “Raptor” stealth fighters sa naturang pagsasanay.

“The exercise commenced with the aircraft taking off from Clark Air Base in Mabalacat City, Pampanga, and conducting simulated DCA operations in the military training areas east of Luzon,” dagdag ni Castillo.

Aniya, ang layon ng DCA ay para sa “participating forces aimed to enhance their interoperability, refine tactical approaches, and bolster their overall effectiveness in countering airborne threats.”

Ang unang iteration ng Cope Thunder ngayong taon ay naganap noong Mayo 1 hanggang 12 at tumutok sa mission planning capabilities at pagpapatupad ng defensive at offensive counter-air operations sa paggamit ng fighter at cargo aircraft.

Samantala, ang nagpapatuloy na drill ay binubuo ng subject matter expert exchanges at
field training exercise na gaganapin sa iba’t ibang air base ng PAF kabilang ang Basa Air Base at Clark Air Base sa Pampanga, Col. Ernesto Ravina Air Base sa Tarlac, Brig. Gen. Benito N. Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City, Cebu, at General Santos City. RNT/JGC

Previous articleKoko kay PBBM: El Niño, water shortage talakayin sa SONA
Next articleThe search is over for the perfect cup of Joe! Experience coffee time at its finest at SM Supermalls this July

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here