Home HOME BANNER STORY PH-US-Japan summit sa White House kasado sa Abril

PH-US-Japan summit sa White House kasado sa Abril

MANILA, Philippines- Pormal na inanunsyo ng White House na magkakaroon ng unang trilateral summit sa pagitan ng mga pinuno ng US, Japan, at Pilipinas, sa Abril 11, 2024.

Si US President Joe Biden ang magho-host kina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Kishida Fumio sa trilateral summit na naglalayong  muling pagtibayin ang kanilang “ironclad alliance.”

“At the summit, the leaders will advance a trilateral partnership built on deep historical ties of friendship, robust and growing economic relations, a proud and resolute commitment to shared democratic values, and a shared vision for a free and open Indo-Pacific,” ayon kay White House Press Secretary Karine Jean-Pierre.

“The leaders will also reaffirm the ironclad alliances between the United States and the Philippines, and the United States and Japan,” dagdag na wika nito.

Inanunsyo ito kasabay ng pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa Manila kung saan nakatakdang makipagpulong ang opisyal kina Pangulong Marcos at Foreign Secretary Enrique Manalo.

Sa ulat, nakatakdang lumipad patungong Manila si Japanese Foreign Minister Yoko Kamikawa mula sa Estados Unidos para sumali kina Blinken at Manalo para sa  trilateral meeting bago pa ang Washington summit.

Si Blinken ang pinakabagong mataas na opisyal ng US na bumisita sa Manila ngayong taon, kung saan binigyang-diin ang high-profile support ng Washington sa “longtime treaty ally” nito sa kasagsagan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea, o South China Sea, partikular na sa Ayungin Shoal, o mas kilala sa international name nitong Second Thomas Shoal, at Bajo de Masinloc, o mas kilala rin bilang Scarborough Shoal.

Nauna rito, katatapos lamang ng biyahe ni US Commerce Secretary Gina Raimondo sa Pilipinas noong nakaraang linggo kasama ang mga opisyal ng  22 American companies. Inanunsyo nito ang bagong kalakalan at pamumuhunan sa Pilipinas na nagkakahalaga ng mahigit sa $1 bilyon. Bumiyahe rin sa Pilipinas si  Admiral John Aquilino, commander ng U.S. Indo-Pacific Command noong nakaraang linggo.

Sa nakatakdang summit sa Washinton DC, tatalakayin ng tatlong lider ang trilateral cooperation “to promote inclusive economic growth and emerging technologies, advance clean energy supply chains and climate cooperation, and further peace and security in the Indo-Pacific and around the world,” ayon sa White House.

Nakatakdang bumisita si Pangulong Marcos sa Estados Unidos mula Abril 11 hanggang  13. Sa una ay magkakaroon ito ng bilateral meeting kay Biden sa White House sa Abril 11, at sasamahan naman ni Kishida ang dalawang lider sa trilateral summit, ayon pa rin sa White House.

Sa magiging pulong nito kay Biden, magsasagawa umano ang dalawang pinuno, base sa White House, ng pagbusisi sa “historic momentum in U.S.-Philippines relations and discuss efforts to expand cooperation on economic security, clean energy, people-to-people ties, and human rights and democracy.”

Tinuran pa na pagtitibayin ang “ironclad alliance between the United States and the Philippines and emphasize U.S. commitment to upholding international law and promoting a free and open Indo-Pacific.” Kris Jose

Previous articleKaso sa kontrobersyal na Chocolate Hills resort ikinakasa ng Ombudsman
Next articlePia, na-bash sa pusa, ginaya raw si Heart!