Home NATIONWIDE PH, US military officials bibisita sa EDCA sites sa Cagayan, Pampanga

PH, US military officials bibisita sa EDCA sites sa Cagayan, Pampanga

277
0

MANILA, Philippines- Nakatakdang bumisita ng Philippine at US military officials sa mga lugar na tinukoy bilang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) locations sa Cagayan at Pampanga sa Miyerkules, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes.

Kabilang sa kanila sina AFP chief General Romeo Brawner Jr., US Indo-Pacific Command commander Admiral John Aquilino, at US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, base sa AFP.

Ang bibisitahin namang EDCA sites ay ang nasa Lal-lo Airport at Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; at Basa Air Base sa Pampanga.

Base sa AFP, lilibutin ng mga opisyal ang completed EDCA projects sa Basa Air Base.

Inaasahang makikita ng senior military officials ang potensyal ng sites para sa development ng mga pasilidad na susuporta sa humanitarian assistance and disaster response operations m modernizaging sa modernization priorities ng AFP.

Para sa AFP, ipapakita sa pagbisita ang commitment ng dalawang bansa sa pagpapaigting ng kooperasyon nito, na titiyak na handa ang dalawang militar para tumugon sa “evolving security challenges and humanitarian crises.”

Ito rin ay pasilip sa darating na Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB) meeting sa Camp Aguinaldo sa Quezon City sa Huwebes, ayon sa AFP.

“These activities underscore the continued partnership and collaboration between the Philippines and US militaries in enhancing national defense capabilities, as well as the shared commitment to regional security and disaster response efforts,” pahayag ng AFP.

Nilagdaan noong 2014, binibigyan ng EDCA ang US troops ng access sa Philippine military facilities, pinapayagan ang mga ito na magtayo ng pasilidad at magtago ng equipment, aircraft, at vessels.

Noong Pebrero, nagkasundo ang Pilipinas at US na magtalaga ng apat pang EDCA sites sa strategic areas ng bansa na naglalayong pabilisin ang full implementation ng kasunduan.

Itatayo ang mga ito sa Naval Base Camilo Osias sa Sta Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.

Bago ito, mayroon nang limang umiiral na EDCA sites: Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City. RNT/SA

Previous articlePamamahagi ng fuel subsidies gugulong sa Miyerkules  – LTFRB
Next articleTeachers group SA DepEd: ‘Diktadurang Marcos’ bakit papalitan kung walang pressure?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here